Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Panukalang batas na magbibigay ng P2,000 cash aid sa mga housewives, inihain na!

Para sa mga asawa na walang trabaho o mga nasa bahay lamang, sakaling maipasa ang House Bill 668 o "Housewives Compensation Act" ay maaari ng makatanggap ng 2,000 pesos kada buwan.

Sa House Bill 668 na isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda, kinikilala ang ambag ng mga misis ng tahanan sa kanilang mag-hapong pag-aalaga sa kanilang mga asawa’t anak gayundin ang epekto nito sa ekonomiya.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P2,000 sweldo ang mga nanay na may isang anak na may edad 12 pababa at makokonsiderang kabilang sa pinakamahihirap sa bansa.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama ang mga kinauukulang LGU, ang magiging tagapagpatupad ng batas sakaling maipasa ito.




"Towards this end, stay-at-home mothers or housewives shall receive financial compensation for all the services rendered on a full-time basis to their children and their families,” ayon sa bill ni Salceda.

Share:

3 comments:

  1. sna po mbigyan po kmi ngtitinda lng po mg Mani ang aswa ko nangungupahan po kmi ng bhy at may baby po kmi

    ReplyDelete
  2. hi po ser magandang hapon po ako po angeline vargas limen nsy limang anak at apat po ang nag aaral ang aking hanap buhay po ay pangangalakal po sana po mapansin nyo rin po itong message ko at mabigyan ng pag kakataon na mabigyan para sa lima kong anak... maraming salamat po

    ReplyDelete
  3. Ako po c marline bongar may dalawang anak, high school na parihas sana matulungan nyo po akong mapasama sa mga programa nyo para may katuwang ako sa pag aaral ng mga anak ko, kulang kc ang kinikita ko para sa kanila, umuupa pa kmi ng bahay po...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive