Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sec Tulfo minamadali ang rules para sa solo parents law na magbibigay ng ayuda at mga benefits


Inanunsyo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang paglikha ng technical working group (TWG) para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Inaamyendahan ng RA No. 11861 ang Republic Act No. 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 upang matiyak na ang solo parents ay maaaring umani ng mas eksklusibong benepisyo na ibinibigay ng gobyerno.

Ang solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa dito ay mabibigyan ng buwanang cash subsidy na P1,000 mula sa local government unit, sa kondisyon na ang solo parent ay hindi benepisyaryo ng anumang iba pang cash assistance program.

Meron din 10% na diskwento at exemption mula sa value-added tax sa gatas ng sanggol, pagkain, micronutrient supplements, sanitary diapers, duly prescribed medicines, vaccine, at iba pang medical supplement.

Ang solo parent ay uunahin din sa mga murang proyekto sa pabahay sa pamamagitan ng National Housing Authority at bibigyan ng automatic coverage ng Philhealth.

Maaaring ma-access ng solo parent ang mga scholarship program sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa pagkakaroon ng bagong batas na ito, inaasahang mas maraming mahihirap na pamilya na pinamumunuan ng mga solong magulang ang matutulungan para magkaroon ng mas magandang kalidad ng buhay.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive