Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD, pinagaaralan ang "one-time, big-time" cash aid payout sa educational assistance

Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibleng one time big time na pamamahagi ng educational cash aid kahit na matapos ang anim na linggong payout sa Setyembre 24.

REGISTER ONLINE: REGISTER_DSWD

'DSWD Secretary Erwin Tulfo is studying it. Since there are many applicants, we might have a one-time big time payout. But the Sept. 24 remains as is – our last payout date for the P1.5-billion allocation. If there are any funds left, we will come up with guidelines," ayon kay DSWD spokesman Romel Lopez.

Ayon sa ahensya ay mas kukuha sila ng beneficiaries ng education assistance doon sa mga students na walang access sa internet.

"If we will be getting beneficiaries outside the two million applications we received online, it will be those who do not have access to the internet or gadgets. It’s very unlikely that we will accept new applicants," dagdag ni Lopez.

Nauna nang sinabi ni Tulfo na makikipag-usap siya kay Speaker Martin Romualdez para sa posibleng pakikipag-ayos sa mga mambabatas ng distrito upang masakop ang tulong para sa educational assistance.

Sa ilalim ng programa, aabot sa tatlong estudyante sa bawat indigent family ang maaring makatanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng P1,000 para sa elementary students, P2,000 para sa high school students, P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa tertiary students.

Share:

1 comment:

  1. Matagal na po ako nakapagregester pero
    Hanggang ngaun wala padin natatanggap na txt.. solo parent ako. Bkit ganon...

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive