Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD, pinagiisipan ang "offsite payout" para sa mga hindi nakapagregister online

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinag-iisipan nila ang offsite payout system para sa mga mahihirap na estudyante na hindi makapagparehistro online para sa educational assistance program dahil sa kawalan ng access sa internet o gadgets.

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na maglalaan sila ng partikular na guidelines para sa house-to-house distribution ng cash aid.

"When it comes to those who don’t have access to internet, to gadgets, we will come up with guidelines, most probably offsite payouts," ayon kay Lopez sa isang interview.

"Remember during the pandemic, the DSWD social workers, nag-bahay bahay na," dagdag niya.

Nagpaplano rin na magdagdag ng higit pang mga payout center sa mga lungsod at munisipalidad upang mapagsilbihan ang mas maraming estudyante sa mga sitwasyon ng krisis.

May sapat na mga social workers ang DSWD para mag-assess sa mas maraming payout centers at na ang mga LGU ay nag-commit din sa kanilang mga social welfare officers na magsagawa ng mga inisyal na screening.

Share:

2 comments:

  1. sana mapatupad yan sir.erwin para po sa hinde nakapag register gawa ng wla po gadjet sana matulungan nyo po kme

    ReplyDelete
  2. MALAKING TULONG DEN PO YAN SIR.ERWIN
    BRY.SANROQUE NAVOTAS CITY PO/09508853123

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive