Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na walang palakasan sa pamamahagi ng financial assistance sa mga mahihirap na estudyante sa bansa.
Ayon kay Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, hindi niya hahayaan na mangyari ito.
“Huwag ho kayong matakot. Maraming natakot na baka mamili na naman, mapulitika na naman,” pahayag ni Tulfo.
“Ang DSWD ang mag-i-interview sa inyo at DSWD national ang magbabayad sa inyo, hindi ang local government. Walang palakasan dito,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na tutulong sa DSWD ang mga lokal na pamahaalan matapos magka-aberya ang unang araw ng pamamahagi ng ayuda kada Sabado.
Samantala, tiniyak naman ni Secretary Tulfo na pagche-check lamang ng dokumento ang magiging trabaho ng mga LGU.
“After that, pag dumaan na sa kanila, then kami na ang bahala. Kami ang mag-iinterview… After that, dun na siya sa payout master, sa paymaster namin,” sinabi ni Tulfo.
“Ang target namin, within 10 minutes pagkapasok ay makalabas na siya kasi less na yung documentation at yung mga questions para mabilis yung beneficiary,” dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment