Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD, may sapat na pondo para sa mga benepisyaryo ng 4PS - Sec Tulfo

Sinabi ni social welfare Secretary Erwin Tulfo na sapat ang pondo para ma-accommodate ang mahigit 700,000 plus mahihirap na pamilya na ibabalik sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang pondo para sa 4.4 milyong pamilyang tumatanggap ng 4Ps ay naibigay na, at ang mahigit 700,000 pamilya ay maibabalik lamang kapag nakumpleto na ng DSWD ang muling pagsusuri sa kanilang patuloy na kwalipikasyon sa programa.

Ang mga hindi pa naibabalik na pamilya ay kabilang sa 1.3 milyong benepisyaryo na dapat ay aalisin sa listahan ng 4Ps matapos makapagtapos sa kahirapan o wala nang mga batang nasa paaralan na makikinabang sa programa.

Sinabi ni Tulfo sa pagdinig ng Senado na sa mga “graduates,” tinatayang 500,000 pa lamang ang na-verify na hindi na kwalipikado sa ilalim ng programa. 

Ang kanilang mga slots, aniya sa mga mambabatas, ay ibibigay sa mga susunod sa linya para sa 4Ps.

Iginiit ni Tulfo na sumasang-ayon siya sa mga panukalang amyendahan ang 4Ps law, habang isinusulong niya ang mas mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa batas.

Bilang halimbawa, itinulak ni Tulfo na tanggalin ang mga benepisyaryo ng 4Ps na gumagamit ng kanilang subsidy para sa mga bisyo tulad ng pag-inom, o “ibinenta” o “pinahiram” ang kanilang mga automated teller machine card na ginagamit nila para ma-access ang subsidy, sa halip na gamitin ang pondo para sa  pangangailangan ng kanilang mga anak na nasa paaralan.

Share:

1 comment:

  1. name jenny rose bonuel
    address:old boso boso malaking parang carnation st.barangay san jose antipolo city..sir erwin tulfo sna po mkasama po ang anak ko sa programa nyo na 4ps tlga pong kailangan nmin po yang 4ps na programa nyo dhil 6 po anak ko 4po ngaun ang nag aaral ..sa sunod na taon po 5 na po clng mag aaral may baby po ako 10months old ang trabaho po ng ka live in ko hnd po sumasapat para sa pag aaral po nila minsan po sa isang lingong pasok 2 or 3 day lng po nmin cla napa2sok sa kadahilanang wla po kming sapat na pera pang budget sa knila sir..kya po sana mabasa po ninyo itong comment ko ..sa educational assistant hnd na po kmi na tawagan dun lki po snang tulong nun sa amin ..sna po sir erwin makasama po ang 5kong anak sa 4ps...

    ReplyDelete

Popular Posts