Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Estudyanteng inalis sa listahan ng 4PS, nagpakamatay!


Tinapos ng isang senior high school student ang kanyang buhay matapos umanong tanggalin sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Nakabigti pa sa kanilang bahay ang 19-anyos na Grade 12 student sa Barangay New Minarog, Motiong, Samar nang matagpuan sa kanilang kubo bandang alas-7 ng umaga noong Oktubre 14.

Isinugod ng Motiong Emergency Response Team (MERT) ang katawan ng biktima sa Samar Provincial Hospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Lumilitaw na tinanggal ang biktima sa 4Ps at nahirapan nang pumasok sa paaralan kaya nagpasyang magpakamatay.

Napag-alamang labis ang pangamba nito para sa kaniyang pag-aaral dahil sa pagkakatangal na nito komo benipisyaryo ng 4Ps.

Sinasabing ang mga kabataang benipisyaryo ng educational program ng 4Ps sa pamamagitan ng DSWD ay hanggang sa idad na 18 anyos lang at awtomatiko na sila ay lalabas na sa programa.

Samantala, inaantabayanan ang komento ng DSWD Eastern Visayas kaugnay sa insidente.

Paalala natin sa lahat na banrayan ang ating mental health. 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts