Naging katatawanan para sa iba ang tatoo na listahan ng grocery. Ngunit para kay Bojo Aquino, isang OFW sa Taiwan, ito ang pinakamagandang masterpiece na kanyang naipalagay sa katawan.
Ang grocery list kasi ang huling mensahe ng kanyang nakababatang kapatid na pumanaw nitong Hunyo lang.
"Kaya lahat po ng mga gusto niya, lahat ng pabili at mga kailangan niya, binibigay ko po lahat sa kaniya. Ini-spoil ko po siya para sa mga paglalambing niya sa akin" saad ni Bojo sa isa g interview sa GMA Regional TV.
"Simula nung nandito ako sa Taiwan, every payday po talaga is siya ‘yung unang nagcha-chat sa akin kung kailan po ako magpapadala, kung kailan ‘yung araw ng padala ko. Tapos maglilista na po ‘yan ng sarili niyang groceries para ipasabay sa mother ko. Every month po consistent po ‘yun" dagdag niya.
Sinabi ni Aquino na na-diagnose ang kanyang kapatid na may bato sa bato noong nakaraang taon. Bagama't sinabing nagamot ito sa mga sumunod na buwan, sinabi ni Aquino na ang katawan ni JR ay naging masyadong mahina para makagalaw.
Nalaman lang nila na may pneumonia ito.
"JR, kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na. Masaya na rin kami para sa’yo kasi wala ka nang paghihirap na dinaranas. Mahal na mahal kita, sobrang miss ka na ng kuya," mensahe ni Bojo sa kanyang kapatid.
Courtesy and Photos: Bojo Dela Cruz Aquino
No comments:
Post a Comment