Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4PS beneficiary nakapagtapos ng pagaaral, isa ng ganap na piloto

Matapos makapasok sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps noong 2012, inaasahang malapit nang umalis ang pamilya ni Carol Israel Esguerra sa cash assistance scheme para sa pinakamahihirap sa bansa.

"This is your captain taking off," sa kanyang speech sa "graduation" ng 500 families sa conditional cash assistance program ng ahensya.

Nasa programa pa rin ang kanyang pamilya dahil nag-aaral pa ang dalawa niyang kapatid.  Inaasahang boluntaryo silang aalis dito sa lalong madaling panahon kapag nagsimula siyang kumita mula sa pagiging piloto ng eroplano.

Ikinuwento ni Esguerra kung paano nakatulong sa kanyang pag-aaral sa 4Ps at ang mga batas na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makapag-kolehiyo at pumasok sa flight school.

Ang mga benepisyaryo ay naging makasarili at ang pag-alis sa 4Ps ay nagpapakita ng tagumpay ng programa.

"Kung may investment tayo... It's the kwenta and the graduation is the kwento. Ito talaga yung mga kwento ng ating mga beneficiaries kung paano sila nakaahon at kung paano makikita yung pagbabago sa kanilang pamumuhay especially in their economic situation," sabi ni 4Ps national program director Gemma Gabuya.

Share:

Lalaki, nalunod sa CamSur dahil sa paghabol sa sobreng may laman na ayuda mula sa 4PS

Patay ang isang lalaki mula sa Camarines Sur matapos malunod sa ilog dahil sa pagsunod sa isang sobre na naglalaman ng Php 16,000 na tulong pinansyal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa ulat ng GMA News, tatlong araw nang nawawala ang lalaki na kinilalang si Joebeth Galletes, 40 taong gulang.

Siya ay natagpuang patay at nakalutang sa Bicol River sa bayan ng Libmanan.

Pumunta si Galietos sa bayan ng Sipocot kasama ang kanyang pamilya para kumuha ng ayuda, ayon sa mga ulat mula sa Police Files Tonite.

Habang pauwi, hinangin at nahulog ang sobre na naglalaman ng pera at mga dokumento mula sa kamay ng biktima.

Pagkatapos ay nagpasya ang biktima na tumalon sa ilog ngunit hindi na ito muling lumutang ayon sa ulat.

Ayon sa mga inisyal na ulat, posibleng natamaan ng malakas na agos ng tubig ang biktima dahil sa masamang lagay ng panahon noong araw na iyon.

Share:

Budget na ayuda na aabot sa P206.5 Bilyon, ipapamigay sa 2023


Nakatakdang gumastos ang Pilipinas ng humigit-kumulang P206.5 bilyon para sa subsidies at cash support o ayuda sa darating na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation.

Binanggit ang Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon ay sumasaklaw sa mga cash transfer at iba pang mga programang subsidy ng gobyerno.

May P165.40 bilyon ang ilalagay sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa social assistance programs.

P22.39 bilyon naman para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).

Makakakuha din ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P14.39 bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at ang Department of Transportation (DOTr) ng P2.5 bilyon para sa fuel subsidies.

Ang isa pang alokasyon ay ang P1 bilyon para sa fuel assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Ang iba pang 2023 budget allocations sa ilalim ng DSWD ay P115.6 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), P25.3 bilyon para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) at P4.4 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program (SLP). 

Share:

Topnotcher sa nursing board exam sa Pinas naging toilet cleaner bago naging nurse sa Australia

 

Ibang ibang raket sa Australia ang pinasok ng isang Pinoy nursing board topnotcher dito sa Pinas tulad ng pagiging barbecue boy, toilet cleaner at fish vendor bago siya naging matagumpay na nurse ngayon. 


Si Jao Jundam ay sinulat ang kaniyang naranasan sa unang limang taon niya sa Australia.



Barbecue boy ang unang naging trabaho ni Jundam sa  isang transient barbecue place pero tumagal lamang siya ng dalawang linggo.



Sunod naman siyang nakahanap ng trabaho sa fish market. "Sa palengke po siya, nagbebenta po ako ng isda, and that helped me support my tuition, my rent, my everyday expenses," kuwento ni Jundam.



“Lahat ng jobs napasukan ko, from cleaning toilets, sa pagka-cashier, pag-serve ng mga kape, lahat. Any jobs na puwedeng pasukan, as long as marangal," dagdag niya.



Hindi naiwasan ni Jundam na ikumpara ang sarili sa mga kasama niya na nag-aaral nang magdoktor.


“Sa totoo lang po natapakan ang ego ko, ilang beses ko pong gustong umuwi ng Pilipinas. Pakiramdam ko bakit ko ulit kailangang mag-aral, bakit ang hirap makahanap ng trabaho. Kasi po dapat mag-aaral din ako ng medisina sa Pilipinas. Parang kinumpara ko 'yung sarili ko roon sa batchmates ko na nag-aaral ng pagiging doktor tapos ako, ito, naglilinis ng toilet, nagbebenta ng isda," Ayon kay Jundam.



Naranasan na rin ni Jundam na kapusin sa pagkain dahil kulang sa pera.



"Minsan binibigyan po ako ng buto ng salmon tapos bumibili na lang ako ng gulay tapos sinigang mix sa Asian shop. Tapos 'yun na po ang lulutuin kong sinigang. For the whole week 'yun na po ang baon ko."



Alam ng best friend niyang si Dudeng ang tunay na pinagdaanan ni Jundam at pinost ito ni Dudeng noong nakaraang taon ngunit pumanaw si Dudeng noong nakaraang taon dahil sa lupus, at hindi nakauwi si Jundam dahil mahigpit ang restriction noong pandemic.


Nalagpasan na ngayon ni Jundam ang mga hirap at isa nang matagumpay na nurse sa Australia.



Kinilala ng UN  International Organization for Migration sa Australia ang kuwento ni Jundam. Mensahe ni Jundam sa mga kabataang susuong nang maaga sa migration na huwag agad susuko kahit ano mang hamon ang dumating.



Share:

Isang guro ginawang katatawanan ng kaniyang estudyante sa facebook


 Nanawagan ang isang guro sa mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak matapos mag-trending online ang isang edited na larawan niya, na naging dahilan din nang pang-iisulto sa isang guro.


Dismayado ang isang guro sa naging asal ng kanyang mga estudyante nang malaman niya na ipinost ang kanyang edited na larawan sa isang ''my day'', na nakakuha na umano nang maraming views at reaksyon.


Ito ay isinumbong sa kaniya ng isa sa niyang estudyante, at ibinahagi niya ang screenshots ng kaniyang pinaglaruang litrato.


"Yung nagdidiscuss ka. Ginawa mo ng maayos ang trabaho mo, tapos biglang may magsasabi sa'yo na estudyante mo na naka-my day ka na raw at ang dami ng views at react." saad ng guro.



"Iba na talaga ang kabataan ngayon. Ang hirap unawain. Mabait ka naman sa klase nila. Wala kang binabastos o ipinahihiya pero 'yan ang sukli sa akin ng isa sa kanila."dagdag pa ng guro.


"Iba na talaga ang kabataan ngayon. Ang hirap unawain. Mabait ka naman sa klase nila. Wala kang binabastos o ipinahihiya pero 'yan ang sukli sa akin ng isa sa kanila."pagtatapos ng guro.



Sa isa pang post ng guro na si Sherwin San Miguel, nasasaktan siya sa ugaling ipinakita ng kaniyang mga mag-aaral. Hinimok naman niya ang mga magulang na sana ay disiplinahin nila ang kanilang mga anak.


"Sa mga magulang sana nakikita niyo to. Kaninang umaga, isa lng ang nagpasa ng assignment na ibinigay ko, isang linggo ang nakalipas. Sa isang section pito lng ang nagpasa. Bakit ganun? Yung sinabi nung teacher sa post "wala kang binabastos at ipinahihiya pero ito ang sukli sakin" ang sakit sakit makabasa nito bilang isang guro! Sana disiplinahin niyo ang mga anak nyo. Pakiusap ."



Suportado naman ng ibang mga guro ang kanilang kabaro na binastos sa social media ng mga estudyante nito. At ito rin ang kanilang panawagan sa mga magulang.



Umabot na sa mahigit limampung libo ang reaksyon at labingwalo ang share sa nasabing post ni sir Sherwin.



Share:

Masayang Birthday Celebration nauwi sa iyakan matapos pumanaw ang Ina ng debutante

 

Ang masaya sanang selebrasyon ng debutanteng si Lovely Jane Pio ay nauwi sa iyakan ng kanyang pamilya dahil ito rin ang araw na namayapa ang kanyang ina.

Share:

Popular Posts

Blog Archive