Nakatakdang gumastos ang Pilipinas ng humigit-kumulang P206.5 bilyon para sa subsidies at cash support o ayuda sa darating na taon dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation.
Binanggit ang Department of Budget and Management (DBM) ang alokasyon ay sumasaklaw sa mga cash transfer at iba pang mga programang subsidy ng gobyerno.
May P165.40 bilyon ang ilalagay sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa social assistance programs.
P22.39 bilyon naman para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).
Makakakuha din ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P14.39 bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, at ang Department of Transportation (DOTr) ng P2.5 bilyon para sa fuel subsidies.
Ang isa pang alokasyon ay ang P1 bilyon para sa fuel assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).
Ang iba pang 2023 budget allocations sa ilalim ng DSWD ay P115.6 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), P25.3 bilyon para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) at P4.4 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program (SLP).
Hello to every 9ne
ReplyDelete