Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki, nalunod sa CamSur dahil sa paghabol sa sobreng may laman na ayuda mula sa 4PS

Patay ang isang lalaki mula sa Camarines Sur matapos malunod sa ilog dahil sa pagsunod sa isang sobre na naglalaman ng Php 16,000 na tulong pinansyal mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa ulat ng GMA News, tatlong araw nang nawawala ang lalaki na kinilalang si Joebeth Galletes, 40 taong gulang.

Siya ay natagpuang patay at nakalutang sa Bicol River sa bayan ng Libmanan.

Pumunta si Galietos sa bayan ng Sipocot kasama ang kanyang pamilya para kumuha ng ayuda, ayon sa mga ulat mula sa Police Files Tonite.

Habang pauwi, hinangin at nahulog ang sobre na naglalaman ng pera at mga dokumento mula sa kamay ng biktima.

Pagkatapos ay nagpasya ang biktima na tumalon sa ilog ngunit hindi na ito muling lumutang ayon sa ulat.

Ayon sa mga inisyal na ulat, posibleng natamaan ng malakas na agos ng tubig ang biktima dahil sa masamang lagay ng panahon noong araw na iyon.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive