Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

P5.2-Billion na ayuda, ibibigay sa 12.4 milyong benepisyaryo ng TCT program


P5,200,000,000 ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para masakop ang isang buwang kinakailangan ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay naglalayong masakop ang bahagi ng ikatlong tranche ng TCT program.  Nasa 9.8 milyong natukoy na benepisyaryo ang sasakupin ng pinakahuling paglabas ng pondo.

Sinu sino ang kasama sa TCT program?

- 4Ps beneficiaries
- former Unconditional Cash Transfer (UCT) beneficiaries
- social pensioners
- indigent senior citizens
- additional beneficiaries na galing sa Listahanan

Ang TCT program ay nagbibigay ng unconditional cash transfers na nagkakahalaga ng P500 kada buwan sa mga pinaka-apektadong sambahayan sa loob ng anim na buwan.

Ito ay upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang non-fuel commodities.

Matatanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang P500 sa pamamagitan ng cash card na inisyu ng Land Bank of the Philippines. Pwede din sa pamamagitan ng cash distribution.

Share:

6 comments:

  1. Sana ma notify ako or makasama sa program Ng tct single parent at Meron dawalang ank

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aq po d na aq umaasa jan single mom with 3kids reject sa 4ps kya d na aasahan ang gobyerno sariling kayod nlng po kc magugutom pamilya mo kung mag aantay ka

      Delete
    2. Pati nga po sa 8k ayuda dati reject din po dq lng gaanong maintindihan kung sa anong dahilan po un dati d q na pinansin

      Delete
  2. I need help from DSWD I'm single parents.

    ReplyDelete
  3. Sana po kami makapasok sa 4pc dito kmi sa gensan naka tira tatlo po anak ko.sir tulfo sana mapansin nyo po mahirap din kami..dinarasal ko po na maka pasok kami sa 4pc .

    ReplyDelete
  4. Sana po kami din ng pamilya ko makasali sa 4ps. 4 po mga anak ko lahat sila nag aaral. Di po ako makapagtrabaho dahil may sakit po ako.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive