Sinabi ni newly-appointed Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na uunahin niya ang pagsasaayos ng listahan ng mga benepisyaryo ng ahensya.
"May bagong technology. We just have to make sure na maayos ‘yung listahan. So ayan ang priority one natin, siguraduhin na tama ‘yung listahan," sabi ni Gatchalian sa interview sa Super Radyo dzBB.
Digitalization ang sagot para ayusin ang listahan ayon kay Gatchalian.
"We have to start off with the list. ‘Yung list kasi marami ‘yan eh, meron list from PSA, may list from NEDA, may list from DSWD," ani Gatchalian.
"Data, marami tayong data pero kailangan talaga may tao na mag aanalisa kung ano ba talaga, sino ba talaga ang hinahabol namin," dagdag niya.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na hindi niya gagalawin ang kasalukuyang manpower ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
"Ako, klaro, I plan to work with the existing bureaucracy. May talento, may puso ‘yung mga nasa DSWD," ani Gatchalian said.
"Hindi kasi ako ganoong klaseng tao. I will work with you as long as you want to get your hands dirty, meaning pare-parehas tayo mag trabaho," dagdag niya.
Sana totoo n yan??!!kse kmi since january 2023 p di nkapay out
ReplyDelete