Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Repatriation sa 3 OFW na namatay sa sunog sa Lian Hwa Foods, inihanda na

3 OFW ang namatay at lima pang OFW ang nasugatan sa sunog sa isang sikat na pagawaan ng pagkain sa Changhua County, Taiwan, noong Abril 25.

Sinabi ng Chairman at Representative ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na si Silvestre H. Bello III na ang tatlong manggagawang Pilipino ay namatay dahil sa paglanghap ng usok.

Kinilala ang 3 OFW na sina:

1. Renato Larua, 30 years old, mula Cavite

2. Nancy Revilla mula Marinduque

3. Aroma Miranda mula Tarlac

5 OFW pa na nasa observation pero ligtas na sa ano mang panganib:

1. Sheila May Abas mula Negros Occidental

2. Jessie Boy Samson

3. Maricris Fernando mula La Union

4. Rodel Uttao

5. Santiago Suba Jr.

Sinabi ni Bello na ang mga bangkay ng tatlong Pilipinong nasawi ay inembalsamo sa Taiwan at inabisuhan na ng MECO ang kanilang mga kamag-anak.

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang MECO sa mga awtoridad ng Taiwanese police tungkol sa insidente at imbestigasyon at sa mabilis na pagpapauwi ng mga labi ng mga biktima.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive