Limang taon ang popondohan ng DSWD sa pag nenegosyo ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa ilalim ng mas pinalakas na 5-year livelihood sustainability plan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang sustainable livelihood program (SLP). Ito ang panibagong programa ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. administration na tutulong sa mga gustong mag-negosyo na walang perang kapital na buuin ang kanilang pangarap.
Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, nais ng Marcos administration na tulungan ang mga mahihirap na Pilipino na umangat sa buhay.
“So what’s new with the SLP? 1st, we give you the first set of grant which is around P15-P20K per head but we encourage you to associate,” ayon kay Sec. Rex Gatchalian, DSWD.
Pagkatapos na mabigyan ng kapital, magpopondo ang DSWD ng technical assistance sa mga ito at sa ika-3 taon ng programa, panibagong budget ang ipagkakaloob ng gobyerno.
“On the 3rd year, we give you another grant that’s around P250K. So why we wanna give you that grant? Kasi, we want to look to the indicators of net profit, gross sales and the number of employees that you have. Whether kayo pa rin ba ‘yan or you’ve contributed back by employing your neighbors o people in your sector,” dagdag pa ni Gatchalian.
“In the 4th year, we provide the necessary technical inputs; We provide you the necessary capacity-building technology. And, then in the 5th year, we once again look at your nets, your gross sales, your net profit, and your formalization process. Meaning, nagkakaroon ka na ba ng rules inside your company? It’s no longer a mom and pops enterprise. If we see that you are gradually progressing, we will give you the final input of P100K,” ani Gatchalian.
Magmula sa wala, tutulungan sila ng Marcos administration hanggang sa maging company owners. Yan ang tahak ngayon ng DSWD.
Narito naman ang mga dapat gawin sa mga gustong mag-apply sa programa. “Like every program, you just go to the field office and they orient you and brief you on the program,” ayon kay Gatchalian.
DSWD, magtatayo ng satellite offices sa SM Supermalls. Samantala, isang memorandum of agreement (MOA) naman ang pinirmahan ng DSWD at SM Supermalls para sa pagtatayo ng satellite offices ng ahensiya sa mga mall ng SM.
Pasisimulan ito sa 21 lokasyon sa ilalim ng SM Malls’ Government Service Express Center. Libre ding magagamit ng DSWD ang mga pasilidad ng SM Supermalls para sa events, exhibitions at preposition goods para sa disaster response.
“We look forward to continuing our partnership in looking after our communities especially the vulnerable, disadvantaged, and those in need of special protection,” ayon kay Steven Tan, President, SM Supermalls.
Nilinaw naman ni Gatchalian na libre-grant ang kanilang
ibibigay at hindi pautang sa mga kuwalipikado nating kababayan.