Kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hanggang ngayong taon na lang gagamitin ng ahensya ang ‘Listahanan’ poverty database program.
Ayon sa kalihim, ito ay upang magbigay daan sa full implementation ng Republic Act No. 11315 o ang Community Based Monitoring System (CBMS) Act na lalarga na sa susunod na taon.
Sa ilalim ng batas, magiging responsibilidad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang primary data collection pati na ang pagbuo ng poverty database.
Sinabi naman ni Sec. Gatchalian na mahalaga ang magiging papel ng mga LGU (local government units) para maging responsive ang CBMS.
“Listahanan is not responsive as naging kongkreto na yung bahay, nasa Listahanan pa din. Humirap na yung tao pero wala pa din sa listahan (concrete houses are in the Listahan, while those households which became poor are still not included in the list.),” DSWD secretary.
Kaugnay nito, tiniyak ni DSWD Sec. Gatchalian na nananatiling handa ang kagawaran na tumulong para maayos na ma-validate ang mga benepisyaryo ng kanilang mga programa at mapabuti ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Rachel jacobe po from zamboanga city region 9 matagal na po akong member ng uct .
ReplyDeletewala pa po akong natanggap na ayuda kahit yung 1k man lang .. pangbili ng magastos wala po kaseng trabaho c mister.P.W.D po c mister may baby pa po kameng isang taong gulang
name; Rachel Jacobe
address:bat comp.gov.camins zamboanga city region 9
age:26
#:09620773823