Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4Ps graduates makakaasa ng patuloy na suporta mula sa LGUs, gov’t agencies, pribadong sektor


Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga magsisipagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay makakaasa ng patuloy na serbisyong hatid ng kanilang local government units (LGUs), kabilang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

Sinabi ni Asst. Sec. Lopez na alinsunod sa Kilos-Unlad case management strategy, “ang mga graduating o exiting na sambahayan ay daraan sa mga social preparation tulad ng pag-attend sa mga sesyon ng Family Development Sessions.”

Binigyang diin ng DSWD spokesperson na ang mga exiting o graduating na pamilya ay dumaan sa isang masinop na assessment process upang tingnan ang kanilang estado ng kanilang pamumuhay. 

Dahil sa mga natanggap na apela ng mga benepisyaryo ng 4Ps, sinabi ni Asst Sec. Lopez na nagsasagawa ang DSWD ng re-assessment upang maberipika ang estado ng mga benepisyaryo na napasama sa listahan ng mga hindi na kwalipikadong maging benepisyaryo ng programa.

Upang matiyak ang kahandaan ng mga benepisyaryo para sa kanilang pag exit sa 4Ps, nabuo ang Kilos Unlad Social Case Management Framework. 

At upang matiyak ang kanilang tuluy-tuloy na pag-unlad, ang mga exiting o graduating na sambahayan ay makipapag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan para sa iba pang tulong, serbisyo, at programa na angkop sa kanila.

Base sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations ng 4Ps Law, may iba’t-ibang kadahilanan upang mag-exit ang mga benepisyaryo. Ito ay ang mga sumusunod, (a) ang huling batang nasa monitoring sa sambahayan ay naabot na ang edad 18 o nakapagtapos na ng high school (b) naabot na ng sambahayan ang pitong-taon sa programa; (c) hindi na nabibilang sa mahihirap na pamilya ayon sa pagtatasa na gagawin ng standardized targeting system (Listahanan ang kasalukuyang ginagamit); (d) Boluntaryo o kusang pag-alis ng sambahayan sa program; at (e) paglabag o pagkakasala sa programa na mayroong karampatang parusang pagtanggal sa programa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive