Pumanaw na sa edad na 72 ang beteranong brodkaster na si Mike Enriquez, Martes, Agosto 29.
Taong 2021 nang sumailalim sa medikal na operasyon sa bato si Enriquez at kinailangang magpaalam muna sa kanyang trabaho sa telebisyon.
Bumalik si Enriqeuz sa trabaho matapos ang 3 buwang isolation period pero muling nagpaalam dahil sa karamdaman.
Inanunsyo sa ’24 Oras’ ng GMA ang pagpanaw ni Enriquez.
“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel ‘Mike’ C. Enriquez, who peacefully joined our creator on August 29, 2023,” pahayag ng network.
Matagal na nagsilbing anchor si Enriquez para sa ’24 Oras’. Kanya ring hinawakan ang investigative documentary program na ‘Imbestigador’.
Matatandaan na matagal hindi nakita sa telebisyon si Enriquez matapos itong sumalang sa kidney transplant taong 2021.
Sumailalim na rin sa heart bypass operation ang Kapuso journalist noong 2018.
No comments:
Post a Comment