Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Rice retailers, bibigyan ng P15,000 cash grant sa ilalim ng SLP program ng DSWD


Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na bibigyan ng P15,000 cash grant ang mga small rice retailers sa bansa.


Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD at magiging inclusive, bilang pagsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos Jr.

"Ang instruction ng Pangulo, dapat inklusibo ‘yung listahan. Ang ating Pangulo ay nakikinig. Alam niya ang pinagdadaanan ng ating mga rice retailers. Nauunawaan niya iyon" ani Gatchalian.

“Unlicensed rice retailers and sari-sari store owners selling rice are also included in the SLP payout which is in line with the President’s directive that the list of beneficiaries should be inclusive,” dagdag ni Gatchalian.

Sinabi ng ahensya na hindi kailangang mag-aplay ang mga retailer upang makatanggap ng tulong, idinagdag pa ng mga tauhan ng DSWD na maghahanap ng mga paraan upang maabot sila.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive