Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

761,150 katao, balik bilang benepiyaryo ng 4PS program

Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay na may 761,150 na kabahayan ang kailangang mapanatili sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Sinabi ni Punay na ang bilang ng mga kabahayan na mananatili sa 4Ps ay natukoy bilang resulta ng muling pagtatasa ng mga benepisyaryo alinsunod sa direktiba ni DSWD Sec Rex Gatchalian.

"Ibig sabihin, sila po ay hindi ga-graduate; tuluy-tuloy po sila sa programa po natin dahil sa assessment po, nakita po ng ating departamento na sila po ay talagang mahirap pa rin at nangangailangan pa rin ng assistance under the 4Ps program," sabi ni Punay.

Ang 761,150 na kabahayan ay bahagi ng 1.1 milyong kabahayan na naunang na-assess bilang non-poor sa ilalim ng Listahanan 3 ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Sa 1.1 milyong miyembro ng 4Ps, 339,660 kabahayan ang na-assess bilang Level 3 o self-sufficient na inirerekomenda para sa graduation o exit sa programa.

Sinabi ni Punay na ang pananatili ng karamihan sa mga miyembro ng 4Ps ay dulot ng epekto ng pandemya, batay sa assessment report ng departamento.

"Ang ginagawa po dito sa mga graduations po natin, sila po ay ini-endorse sa mga local government units at binibigyan din natin ng mga iba’t ibang assistance or mga programa tulad ng Sustainable Livelihood Program para matulungan pa rin sila kahit wala na sila sa 4Ps program po ay sila’y tuluy-tuloy na bibigyan ng assistance ng pamahalaan," dagdag ni Punay.

Ang 4Ps ay ang national poverty reduction strategy at isang human capital investment program ng gobyerno na nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga kwalipikadong household-beneficiaries.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive